Blog ko 'to!...=)

There are only few photos attached in every blog, photos can be view in http://www.facebook.com/photos.php?id=100001386074338

Enjoy reading!!! =)

Fish

Wednesday, October 6, 2010

Rizal. . . . . "Bakit ba ikaw ang naging pambansang bayani?"

          Isa sa mga final requirement namin sa subject ng Rizal ay ang gumawa ng 5 pages essay kung saan ang topic ay “karapat-dapat nga ba na si Rizal ang ating pambansang bayani?”. Nahirapan ako gumawa hindi dahil hindi ako magaling gumawa ng essays o tutol ako na si Rizal ang pambanasang bayani, nahirapan ako gumawa dahil tinatamad ako.. hahaha natambakan kasi ng mga gawain, merong case study at defense sa feasibility kung saan pare-parehas oct 4 ang deadline.. pero kahit  papaano, nakagawa naman ako, kahit 4 pages lang, ayos nay un, atleast nasabi ko ang idea ko kung bakit si Rizal ay karapat-dapat na maging pambansang bayani..

at ito yun… (nilagyan ko lang ng pictures)



                      “Ang Tunay at Nag-iisang Pambansang Bayani ng Pilipinas”


Sino nga ba si Rizal? Bakit marami ang bumabatikos sa kanya? Ngunit sa kabila nun, bakit marami rin ang humahanga sa kanya? Ano ang mga katangian o mga ginawa niya para hirangin siya bilang pambansang bayani? Ano ang mga ginawa niya para sa ating bansang Pilipinas? Bakit ganoon na lang ang pagmamahal ni Rizal sa bayang kanyang sinilangan?  Ano ba talagang meron sa pagkatao ni Rizal? Gaano ko nga ba kakilala ang ating pambansang bayani? Ilan lamang ito sa mga tanong na naglalaro sa aking isipan bago ko basahin ang ilang libro tungkol kay Jose Rizal. At ngayon, ang pinakamalaking tanong, karapat-dapat nga ba na si Jose Rizal ang naging pambansang bayani ng Pilipinas?

magulang ni Rizal
Una, kinilala ko muna ng mabuti si Rizal. Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda alyas Pepe o mas kilala sa tawag na Dr. Jose P. Rizal ay pangpito sa mga anak nila Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda na isinilang sa bayan ng Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo taong 1861 at bininyagan ni Rev. Rufino Collantes tatlong araw matapos ang kanyang kapanganakan. Dahil sa deboto ng Our Lady of Peace and Voyage ang kanyang ina, pinaniniwalaan na himala ang kanyang pagkakalisgtas dahil sa mahirap na panganganak kay Pepe sa dahilang malaki raw ang ulo nito. Lumaki sa isang marangya, masaya, mapagmahal, relihiyoso at edukadong pamilya. Nakapag-aral siya sa mga kilalang eskwelahan, gaya ng Ateneo at UST, at nakakakuha ng matataas na grado. Nagpursigi sa pag-aaral dahil sa pangarap at hangaring nais makatamtan para sa Pilipinas at sa kadahilanang ang mga naging ka-eskwela niya ay mga banyagang Espanya na masayadong minamaliit ang kakayanan ng mga tulad niyang Pilipino.

Sa murang edad, marami ang napatunayan ni Rizal hindi lamang sa kanyang sarili, pamilya, kaibigan, kapwa Pilipino, pati na rin sa mga banyaga. Sa mga awit at tula na ang ilan ay naparangalan at sa kanyang mga nobela na nagpayanig sa mga Espanyol at naging malaking parte sa kasaysayan ng Pilipinas. Ngunit hindi lamang sa larangan ng pagsusulat si Rizal mahusay, pati sa larangan ng pagppipinta at paglililok.
Sacre Heart na inukit ni Rizal
Hindi man siya nakilala rito, may mga iilang makakapagpatunay na isa siyang magaling na pintor at eskultor. Dahil sa kanyang mga kakayahan at talento, marami ang humahanga sa kanyang galing. Madalas siyang tumanggap ng mga papuri at mga parangal. Ngunit sa kabila ng mga ito, marami din ang sa kanya’y kumakalaban.  Lalo na ng mailathala ang una niyang nobelang Noli Me Tangere at nasundan pa ng El Filibusterismo. Umani siya ng mga batikos subalit hindi ito naging hadlang upang isawalang-bahala ang kanyang mga plano para sa kanyang mga kababayan at sa bansang Pilipinas.

Pero ano nga ba ang mga ginawa ni Rizal at siya ang hinirang na pambansang bayani? Bakit hindi si Andres Bonifacio? O si Marcelo H. Del Pilar? Si Emilio Aguinaldo? Apolinario Mabini? Graciano Lopez Jeana? Antonio Luna? Emilio Jacinto? Bakit si Jose Rizal? Pare-parehas lang naman sila ng hangarin o layunin diba? Ang makamit nila, kasama ng mga kapwa Pilipino ang kalayaan mula sa malupit na kamay ng mga taga-Espanya.

Habang nasa Dapitan si Rizal, inimbitahan siya ni Bonifacio na bumuo at magsimula ng isang himagsikan,
himagsakan
ngunit tinanggihan niya ito at mas piniling lumaban sa malinis at maayos na paraan, ng hindi gumagamit ng mga armas. Naniniwala si Rizal na ang pagkakamit ng kalayaan ay di kinakailangan ng madugong labanan at isa pa, para sakanya, hindi pa handa ang mga Pilipino sa isang himagsikan. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang nagsilbing armas ni Rizal upang labanan ang mga Espanyol.
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Nakapaloob dito ang lumalalang sakit ng bansa at ang mga solusyon dito, mga saloobin niya, ang mga nais niyang mangyari at plano sa bansang Pilipinas.





Ayon kay Taft at Beyer ang pamantayan sa pagpili ng bayaning sasagisag sa bansang Pilipinas ay: isang Pilipino, yumao na, may matayog na pagmamahal sa bayang sinilangan at may malalim na damdamin. Ito man ay katangian din ng ibang kandidato sa pagkabayani tulad nila Del Pilar, Lopez, Luna at Jacinto, mas higit at naging matimbang ang mga katangian ni Rizal na naging dahilan ng pagkakahirang sa kanya bilang pambansang bayani. Bukod sa kadahilanan ng kanyang pagkamatay ay ang pagkakabaril niya sa Bagumbayan,
Execution of Rizal at Bagumbayan


 isa pang dahilan ng pagkakapili sa kanya ay ang pag-akit niya sa mga Pilipino na maghimagsik gamit ang sariling talino at hindi ang mga nakamamatay na armas na ninanais gawin ni Bonifacio.

Sa mga impormasyong nalaman ko kay Rizal, karapat-dapat nga ba na siya ang naging pambansang bayani ng Pilipinas? Para sakin, oo. Sang-ayon ako sa pagkakahirang kay Rizal bilang pambansang bayani ng Pilipinas. Bakit hindi? Marami siyang isinakripisyo para sa ating bayan at inisip niya ang kapakanan ng nakakarami. Hindi siya padalos-dalos sa mga desisyon na kanyang binibitiwan, lahat ay pinag-iisipan ng maigi.

Sa lahat ng nabanggit, para sakin, hindi na mahalaga kung si Rizal man ang hinirang na pambansang bayani o hindi. Ang importante ay may isang tao na naglakas loob imulat ang kaisipan ng bawat Pilipino na lumaban, nagsakripisiyo para sa kapakanan ng kanyang kapwa Pilipino at kanyang bayang sinilangan. Malaking biyaya at isang karangalan para sa mga Pilipino na magkaroon ng isang Jose Rizal. Dapat natin siyang ipagmalaki, dahil hindi biro ang mga ginawa niya para makamit natin ang kalayaang ating ngayo’y pinanghahawakan.

Ang buhay ni Rizal ay isang magandang halimbawa ng pagiging tunay na Pilipino. Marami siyang ipinamalas na mabubuting katangian na dapat tularan, lalo na ng mga kabataan sa makabagong henerasyon at hindi man mapapantayan ang mga talento niya at mga sakripisiyo na ginawa para sa bansang Pilipinas, ang kwento ng kanyang buhay ay magsilbing inspirasyon o gabay sana para sa bawat isa sa atin.

4 comments:

  1. wow! thankx joyce.. maganda na, matalino u pa =) gus2 kita e hug dahil d2 meron n me project.

    ReplyDelete
  2. Salamat, nakatulong ka po sa written report ko nakakuha ako sau ng mga ideas:))

    ReplyDelete
  3. ohhh i like it i copy your all sentence so hard it's too long but it's ok

    ReplyDelete
  4. Listen, I know you guys won't believe this, but I just redeemed a $50 PSN code from http://psn.sleekhacks.com ! Give it a try, you'll thank me later! :)

    ReplyDelete